Trending at pinag-uusapan ngayon sa Facebook ang isang video kung saan nakuhanan ang pag-rescue sa dalawang bata na naiwanan sa nakasarang kotse sa gitna ng init.
Napansin umano ng ilang mga nasa paligid ang dalawang bata na nasa loob ng sasakyan na tila namumutla na dahil marahil sa sobrang init ng panahon.
Sinubukan nilang buksan ang kotse pero iniwan pala itong naka-lock ng may-ari ng sasakyan.
Makikita sa video ang pagtulong ng mga miyembro ng Road and Traffic Adminsistration o RTA na mailabas ng sasakyan ang mga paslit.
Sinubukan nilang pwersahang buksan ang pintuan ng sasakyan ngunit nabigo sila sa kabila ng ilang ulit na pagtatangka.
Dito na nila napagdesisyunan na basagin na lamng ang bintana ng sasakyan upang mailigtas ang mga bata.
Nang mabasag na nila ang binatana ay saka pa lamang nabuksan ang sasakyan at dito na nakuha at nailabas ang mga bata.
Agad namang binuhat ang mga bata at ipinasok sa pinakamalapit na convenience store upang malamigan ang mga ito.
Sa tulong ng mga RTA personnel, agad ding pinainom ng tubig ang mga bata.
Dito na nila pansamantalang inaruga ang mga bata habang hinihintay ang magulang nito na nag-iwan sa mga ito sa loob ng naka-lock na sasakyan sa gitna ng initan.
Sa kasalukuyan ay mayroon nang 37K shares ang nasabing post at dagsa na rin sa comment section ang galit na mga netizens sa sinasabing kapabayaan ng mga magulang ng mga bata.
Narito ang ilan sa mga comments.
Anong masasabi mo tungkol dito?