Sarah G, may ‘pasabog’ sa kaniyang pagbabalik

Isang malaking sorpresa ang official announcement tungkol sa Tala: The Film Concert ni Sarah Geronimo na may world premiere ngayong March 27, 2021.

Nagulat ang kaniyang mga tagahanga at supporters na mas kilala bilang ‘popsters’ dahil inakala nilang nagpapahinga pa ito pansamantala dahil ilang linggo na rin siyang hindi napapanood sa ASAP Natin ‘To sa ABS-CBN. Sabi nga ni Regine Velasquez sa nakaraang episode, maaaring ini-enjoy muna ni Sarah ang buhay-misis kasama si Matteo Guidicelli.

Ayon sa Viva Artists Agency, ang Tala: The Film Concert ang “the biggest concert experience of the year.

Ang direktor ng mga nakaraang concerts ni Sarah na si Direk Paul Basinilio ang direktor din ng concert na ito.

Ayon kay Direk Paul:

Tala The Film Concert is inspired by the success of Sarah through the years, especially ‘yung kaniyang super viral hit song na ‘Tala’ na isinulat ni Nica del Rosario na originally a slow to mid-tempo song.

Then Sarah revised it to make the song danceable, and the rest is history. Currently, Tala has 170 million views already in YouTube.

At dahil nasa gitna tayo ng pandemya, kakaiba ang estilo ng concert na ito. Hindi pa pinapayagan ang ‘physical audience’ sa isang malaking venue kung kaya isa pa ring online event ang concert na ito.
Ang malaking kaibahan lamang nito sa mga online concerts o virtual events na napanood na natin mula nang magkaroon ng lockdown, ito ay ini-record pa rin ito sa Araneta Coliseum bilang isang full-blown concert.
May live band pa rin sa pangunguna ni Maestro Louie Ocampo. Kasama rin ang buong pwersa ng G-Force sa pangunguna ni Teacher Georcelle.

Dagdag pa ni Direk Paul:

Tala, I would say is an online concert like we haven’t seen before. We made it like it’s an actual show meant for a live audience pero streamed siya sa ktx.ph.

It has narrative as well that talks about Sarah’s journey and how we prepared for the show. The advantage is more people can get to watch it because of the worldwide premiere.

Available na ang tickets simula bukas, February 19. Php 1,500 ang regular tickets, samantalang Php 3,000 naman ang VVIPs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!