ASAP Natin ‘To: Kapamilya na, Kapatid pa

Ikinatuwa ng maraming loyal Kapamilya fans ang official announcement ng ABS-CBN na ang long-time musical variety show na ASAP Natin ‘To ay mapapanood na rin sa TV5.

Ang ASAP Natin ‘To ay pinangungunahan ng mga magagaling na TV at concert performers ng bansa.

 

Kabilang dito sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Martin Nievera, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Sarah Geronimo, at marami pang iba.

= = = = = = = = = = = = = = =

RELATED STORIES:

ASAP Natin ‘To, mapapanood na sa TV5?

ABS-CBN & TV5 partnership, kasado na?

Balik-ASAP nga ba ang former Kapamilya stars?

= = = = = = = = = = = = = = =

Matatandaang lumutang ang usap-usapan na mapapanood na rin ang ASAP Natin ‘To sa Kapatid network matapos makansela sa ere ang Sunday Noontime Live (SNL) na tinampukan ng mga former ASAP mainstays na sina Piolo Pascual, Maja Salvador, at iba pa.

Naging direktor din ng SNL ang dating ASAP director na si Johnny Manahan o Mr. M.

Sa interview kay Mr. M ng Philippine Entertainment Portal (PEP) ay kinumpirma nga nito na ASAP Natin ‘To ang nakakuha ng nabakanteng timeslot ng SNL tuwing Linggo ng tanghali.

Ngayong araw, January 21, nagkaroon na nga ng opisyal na kumpirmasyon ang nasabing balita.

Ayon kay Robert Galang, president and CEO of TV5 and Cignal:

This collaboration between Cignal, TV5, Brightlight Productions, and ABS-CBN marks the start of greater cooperation among our various industry players and begins a new era of partnership.

The airing of ‘ASAP’ and FPJ’s movies on TV5 showcases the desires of TV5 and ABS-CBN to serve our viewers in the best way possible.

We are pleased to welcome the ‘ASAP’ family and the films of the one and only king of Philippine movies to Cignal and TV5. The top-rated content, combined with Cignal and TV5’s strengths in technology, direct-to-consumer distribution, and mobile and broadband reach, will usher in a new viewing experience for fans and subscribers alike.

Maliban nga sa ASAP Natin ‘To ay mapapanood rin sa TV5 ang ilang pelikula ni Fernando Poe, Jr. na kinikilalang King of Philippine Movies.

Maliban sa free TV ng TV5, napapanood din ang mga programa nito sa Cignal, Sky Cable at iba pang cable providers sa buong bansa.

Bago ang nasabing partnership ng ABS-CBN at TV5, napapanood naman ang ASAP Natin ‘To sa free TV sa pamamagitan ng A2Z channel 11, sa online platforms gaya ng Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, iWantTFC streaming platform, Kapamilya Channel sa cable, at The Filipino Channel o TFC.

Ang tanong na lang ng mga viewers, mapapanood na kayang muli sa ASAP Natin ‘To ang mga former Kapamilya stars na piniling lumipat noon sa katapat na show?

Maliban sa ASAP, may posibilidad din kaya na mapanood na rin ang iba pang Kapamilya shows sa Kapatid network in the near future?

‘Yan ang dapat nating abangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!