Johnny Manahan, may hinanakit sa Star Hunt at PBB?

Binasag na ni Mr. Johnny Manahan o mas kilala bilang Mr. M, ang kaniyang katahimikan tungkol sa pag-alis niya sa ABS-CBN.

Si Mr. M ay ang dating head ng Star Magic, ang talent management ng ABS-CBN.

Dito nanggaling ang ilan sa mga pinakamagagaling na artista natin ngayon. Kabilang sa mga produkto nito sina Piolo Pascual, Claudine Barretto, Maja Salvador, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Liza Soberano, Enrique Gil, Julia Barretto, Joshua Garcia, Kim Chiu, Gerald Anderson, Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, at marami pang iba.

Taong 1992 nang itatag ito ni Mr. M kasama si Freddie M. Garcia o FMG na noong mga panahong iyon ay executive vice president ng ABS-CBN.

Mula noon ay si Mr. M na ang tumutok sa pag-discover at at pagpapasikat ng mga talents ng Kapamilya network.

Maliban sa pamamahala sa Star Magic, si Mr. M din ang naging direktor ng Sunday musical variety show na ASAP Natin ‘To mula noong 1995 hanggang 2020.

= = = = = = = = = = = = = = =

RELATED STORIES:

ASAP Natin ‘To, mapapanood na sa TV5?

Balik-ASAP nga ba ang former Kapamilya stars?

ABS-CBN & TV5 partnership, kasado na?

= = = = = = = = = = = = = = =

Bago nga matapos ang taong 2020 ay umalis na si Mr. M sa Star Magic at ABS-CBN para lumipat sa TV5.

Hinawakan naman niya doon ang programang Sunday Noontime Live (SNL) na naging katapat ng ASAP tuwing Linggo. Ito ay tinampukan nina Piolo Pascual at Maja Salvador na parehong nanggaling sa ASAP at Star Magic.

Ngunit bakit nga ba nilisan ni Mr. M ang ABS-CBN na naging tahanan na niya ng ilang dekada?

Sa exclusive interview ng Philippine Entertainment Portal na inilathala rin nila sa PEP.ph, direktang sinagot ni Mr. M ang katanungang ito.

Ayon kay Mr. M, walang kinalaman sa pag-alis niya sa Kapamilya network ang pagkawala nito ng prangkisa. Wala rin daw kinalaman ang naging offer ng Brightlight Productions na blocktimer sa TV5 at naging producer ng SNL.

Maling factor aniya sa naging desisyon niya ang pagkakaroon ng tinawag niyang “shadow talent center” sa ABS-CBN.

Pakiramdam daw niya at ng staff ng Star Magic ay unti-unti na silang nawawalan ng talents dahil dito.

Ang sabi niya:

There’s a shadow talent center in ABS-CBN, and they have their own managers and they manage their own stars.

The people from the Pinoy Big Brother (PBB), we expected to manage these people after they come out of the house.

No, they set up their own organization. It was like a counter organization.

Sa paliwanag niya, sinabi niyang sa halip na mapunta sa Star Magic ang mga former PBB housemates na gustong mag-artista, nakukuha na ito ng PBB mismo.

Matatandaang karamihan ng mga naging Star Magic talents ay galing din sa PBB. Kabilang dito sina Kim Chiu, Gerald Anderson, Joshua Garcia, at iba pa.

At dahil napupunta na sa PBB ang pamamahala ng mga talents na ito, “latak” na lang aniya ang napupunta sa Star Magic dahil napagpilian na ito ng PBB.

Maliban dito, nagkaroon din ang PBB ng Star Hunt na ang layunin ay maka-discover ng mga auditionees na isasalang din sa iba’t ibang reality shows ng ABS-CBN.

Tila walang nangyaring koordinasyon sa pagitan ng grupo ng PBB at Star Magic ni Mr. M.

Kalaunan nga ay may mga ini-launch nang sariling talents ang Star Hunt.

That didn’t sit too well with my people.

It’s not like I was whining and complaining. My people were complaining to me, ‘Mr. M, papaano ba iyan? They have their own talent center and their own talents.’

I said, ‘Yeah, that’s not too nice. That makes us irrelevant.’ Maybe they’re trying to make us irrelevant.

Sinubukan daw dalhin ni Mr. M ang issue sa management ngunit walang nangyaring aksiyon makalipas ang ilang buwan.

Sa kasalukuyan ay si Laurenti Dyogi na ang head ng Star Magic. Ito rin at ang kaniyang grupo ang nasa likod ng PBB at Star Hunt.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!