Biglaan ang naging desisyon ng pagkasenla sa ere ng Sunday Noontime Live (SNL) ng Brightlight Productions na napapanood sa TV5.
Ito ay umere simula Oktubre 2020 at matapos lamang ang tatlong buwan, tuluyan na itong namaalam kahapon, January 17.
Ito ay tinampukan nina Piolo Pascual, Maja Salvador, Catriona Gray, Donny Pangilinan, at Jake Ejercito, na karamihan ay nanggaling sa katapat na programa sa ABS-CBN — ang ASAP Natin ‘To.
At dahil nga biglaan ang naging desisyon, maraming hosts at staff ang nagulat dahil nakahanda na ang lahat para sa kanilang rehearsals sa mga susunod na linggo.
= = = = = = = = = = = = = = =
RELATED STORIES:
ABS-CBN & TV5 partnership, kasado na?
Balik-ASAP nga ba ang former Kapamilya stars?
Mga lumipat na Kapamilya stars, di na pwedeng bumalik?
= = = = = = = = = = = = = = =
Ayon sa report ni Jojo Gabinete sa pep.ph, mas magugulat daw ang lahat sa programang papalit sa naiwang timeslot ng SNL.
Ayon sa kaniya:
Kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa plano, mapapanood sa TV5 simula sa darating na Linggo, January 24, ang ASAP Natin ‘To ng ABS-CBN.
Ito raw ay bahagi ng nabuong partnership ng ABS-CBN at TV5.
Ang ASAP Natin ‘To ay kasalukuyang napapanood sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, at iwantTFC.
Kabilang sa mga hosts dito sina Regine Velasquez, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Sarah Geronimo, at iba pang Kapamilya stars.
Kung totoo man ang balitang ito, siguradong maraming Kapamilya fans ang matutuwa dahil mas lalo pang lumalawak ang naaabot ngayon ng ABS-CBN sa kabila ng kawalan nito ng franchise.