Ayoko ‘yong sasabihing last day na ng Showtime…
Naging emosyonal si Vice Ganda sa It’s Showtime kanina nang mapag-usapan kung anong plot twist ang ayaw niyang mangyari.
Nasa kalagitnaan ng interview nila ni Kim Chiu sa isang Tawag ng Tanghalan contestant nang magawi ang usapan tungkol sa mga plot twists na ayaw nilang maranasan sa buhay nila.
Ang ayokong maging plot twist ‘yong sasabihing last day na ng Showtime.
Matapos ang ilang saglit ng katahimikan ay nagpatuloy si Vice sa pagsasalita.
Teka lang naman muna. For me, no. ‘Di ko talaga keri… Hindi ko alam kung paano ko ‘yon idi-deal with.
Kasi nangyari na ‘to sa ‘min dati eh. Ako talaga, hinanda ko na ‘yong sarili ko na feeling ko talaga tatanggalin kami.
Matatandaan na taong 2015 nang unti-unting bumulusok paibaba ang ratings ng It’s Showtime.
Prangkahan na, noong panahon ng Aldub, feeling ko wala nang nanonood ng Showtime. Parang buong Pilipinas nakatutok sa Aldub. Tapos parang ang laking kasalanan ‘pag fan ka ng Showtime. Ang laking kasalanan pag nanonood ka ng Showtime.
Sa katapat na programang Eat Bulaga ay nangibabaw noon ang tambalang Alden Richards at Maine Mendoza na mas kilala bilang Aldub.
Parang nag-aaway-away ang mga tao sa social media, na parang hindi ka dapat nanonood ng Showtime, dapat lahat tayo nakatutok lang sa Aldub.
Ang kasikatan ng Aldub ang naging alas ng katapat na programa upang patuloy na manguna sa tapatan ng noontime shows.
Tapos ang baba-baba na ng ratings ng Showtime. Tapos ako laban na laban pa din ako. Pero dumating ako sa punto na habang lumalaban ako, tinanggap ko na. Feeling ko anytime soon, tatawagan ako ng management tapos sasabihing ‘We are cancelling the show.’
Iba’t ibang segments at mga gimik ang sinubukan ng It’s Showtime na ipangtapat at ipanglaban sa pumatok na tambalan sa kabilang programa.
Tanggap ko ‘yon. Tapos hindi nangyari. Hindi ginawa ng ABS-CBN. Hindi ako nilaglag. Hindi nilaglag ‘yong show. Kaya sabi ko talaga ‘yon ang pinanghahawakan ko eh. Magkamatayan na, hindi ko iiwanan itong ABS-CBN ngayon. Kasi noong nangyari ‘to sa buhay ko, hindi ako iniwanan ng ABS eh.
Lahat kami, lahat kaming hosts, lahat kaming show, isama na natin ‘yong direktor namin. Hindi ‘yan iniwanan ng ABS noong mukha na kaming kawawa at halos patay na kami. Kaya ngayon na nangyayari ‘to sa ABS, hindi rin kita iiwanan katulad ng hindi mo pang-iiwan mo sa akin noon.