Taong 2015 pa nang mag-viral ang interview ni Karen Davila sa noo’y kumakandidato sa pagka-senador na si Alma Moreno.
Naging usap-usapan ito noon at naging sentro pa ng iba’t ibang memes na nagsulputan.
Anim na taon makalipas ang nasabing interview, tila may hinanakit pa rin ang aktres kay Karen.
Sa isang eksena sa bagong pelikula ni Alma, naglabas siya ng hinanakit tungkol sa ginawa sa kanya noong ng isang reporter.
Kahit na walang pangalang nabanggit sa eksena, hindi maipagkakaila na si Karen ang tinutukoy niyang reporter.
Tila pahiwatig tuloy ito na hindi pa rin siya nakakalimot sa nangyari noon.
“Hindi na ako magbabanggit, sa TV. Yung sa TV po na yung isang reporter na sumagot na ako pero talagang idinidiin, idinidiin po ako hanggang sa napahiya na ako. Hanggang sa bashers ko, sobra na.
“Hindi na lang po ako sumagot.
“Hindi porke mga sexy star kami, bold star kami, huhusgahan niyo lahat dahil kami ho, tao lang na nasasaktan din pero may puso ho kami.”
Nag-viral noon ang interview kay Alma na ginawang katatawanan pero hindi raw dumating ang inaantay niyang paumanhin mula kay Karen.
Sa pamamagitan ng isang Instagram post noong November 2015, sinagot ni Karen ang isyu tungkol sa kanyang viral interview kay Alma.
“If you watched the interview in full, you will see that I shifted to Tagalog, during many times. I tried to help her.
“My previous interviews were much tougher—with Senator Bongbong Marcos, for example, or Manila International Airport Authority GM Angel Honrado.
“When someone is running for higher office, they must have an understanding of issues. This is a standard we owe to the Filipino people. You will choose in the end. My job is to ask the hard questions.”
Inalmahan din ito noon ng anak ni Alma na si Vandolph Quizon.
“Karen should not choose whom to respect. She should treat her guests equally. The way she interviewed my mom was different.
“Karen humiliated my mom on national TV. She kept pounding on her. She let my mom get rattled. My mom deserves to be respected because she is the chair of PCL [Philippine Councilors League], and she has been serving the country for so long. My mom is a person of action and not just words.”
Balikan ang nasabing viral interview dito.