Reunion ng Eraserheads, posibleng mangyari sa isang ‘kondisyon’ ayon kay Ely Buendia

Trending topic sa Twitter ang sikat na 90s Filipino rock band na Eraserheads.

Ito ay matapos sagutin ng dati nitong lead vocalist na si Ely Buendia ang tanong ng isang netizen kung may pag-asa pang magkaroon ng reunion ang nasabing banda.

“Hi Sir Ely! May pag-asa pa po kaya magkaroon ng Eheads reunion?”

Agad naman itong sinagot ng Pinoy music icon at sinabing “Pag tumakbo si Leni.”

Ang tinutukoy nito ay si Vice President Leni Robredo.

As of this writing ay hindi pa nagpapahayag ng intensiyon ang bise presidente sa pagtakbo sa pagkapangulo sa 2022 elections.

Binura na ni Ely ang nasabing tweet at may iba na itong sagot sa naging tanong ng netizen.

“Pag nag-reunion ang IV of Spades.”

Bagama’t pinalitan niya ang naunang sagot, marami naman ang nakapag-screenshot na ng original tweet bago pa ito mabura.

Sa isa pang tweet, nilinaw ni Ely na ang kanyang opinyon ay tanging sa kanya lamang at hindi sinasalamin ang opinyon ng lahat ng dating miyembro ng Eraserheads.

DISCLAIMER: MY POLITICAL OPINIONS ARE MY OWN AND I DO NOT REPRESENT THE VIEWS OF THE ERASERHEADS’ MEMBERS.”

Agad namang humakot ng reaksiyon mula sa netizens, lalo sa mga tagahanga ng banda, ang nasabing pahayag ni Ely.

Narito ang ilan sa tweets ng netizens.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!