Nag-react ang singer-actress na si Mystica sa isyu ng umano’y pagiging basura ng trabaho ng GMA-7.
Matatandaang nag-ugat ang isyu nang magsalita ang ABS-CBN director na si Andoy Ranay at sabihing aanhin ang franchise kung basura naman ang trabaho.
Bagama’t walang binanggit na pinatutungkulan, nag-react ang GMA head writer na si Suzette Doctolero at sinabing hindi sila basura.
Kamakailan naman ay nagbigay ng saloobin si Mystica hinggil dito.
Matatandaang nabigyan ng pagkakataong magbalik-showbiz ang singer-actress sa pamamagitan ng ABS-CBN primetime series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin.
Naging kontrobersiyal naman ang pagiging bahagi niya ng GMA series na “Owe My Love”.
Hindi tuloy naiwasan ni Mystica na ikumpara ang naging karanasan niya sa dalawang programa.
“Para sa akin naman, nung sinabing basura, meaning, puro walang ka-sense-sense, puro kabaduyan o kung anu-ano man ang pinaggagawa nila just to be able to show something para lang masabing, ‘Oh, heto ang gawa namin!’ Para lang meron silang maipakita. Pero walang value, walang kasosyalan o kaya’y pangbasura lang talaga.
“Bato-bato sa langit, ang tatamaan, please, ‘wag magalit. Pero nagalit! Kung talagang kayo ay hindi talaga nasaktan o kaya, alam n’yo na kayo talaga ay hindi kayo ‘yung concern, hindi kayo maiirita or whatever. Totoo naman kasi.
“I am the number one who can actually give a testimony dahil ako mismo, myself, kinuha nila (ABS-CBN) ako. Nakita naman n’yo kung paano tri-neat ‘yung aking role, o kaya ay binigyan ng magandang treatment ang aking role nung ako ay nakiusap na ibalik ako sa showbiz ng ABS-CBN through Coco Martin’s Ang Probinsyano. So, meaning to say, they really respected kung ano ‘yung alam nila na kakayanan ng aking talento. Hindi ‘yung pang-one-liner lang na katulong [sa Owe My Love].
“Kukuha na lang kayo ng katulong, pwede naman kayong kumuha sa basura… Bakit pa kayo kukuha ng very controversial na Mystica para lang magamit n’yo, para lang sa one-liner lang. Pagkatapos, ikukulong n’yo sa lock-in taping, ‘tapos hindi n’yo pa masabi-sabi kung hanggang kailan ako doon.
“So kayo, na mga nand’yan mismo sa GMA… hindi lang ‘yung gawa n’yo ang basura. Kayo mismo ang basura!
“Para mapatunayan talaga na totoo ‘yung sinasabi ni Direk Ranay, tingnan n’yo kung ano ‘yung Owe My Love.
“From the start pa lang, sabi ko, ‘Ano ba ‘to?’ My God, from the start pa lang, I felt it was really basura! That itself is totally a great example na basura ang ginagawa ng GMA!
“You are being treated as professionals, you are being treated as talagang globally na tinitingala, na pinapanood whatever, ‘di ba, internationally, globally, worldwide, pero walang class!
“Hindi na bobo ang mga tao. Kaya tuwing gumagawa kayo [ng teleserye], tingnan n’yo naman kung ano ang reyalidad.
“Pagkatapos, dahil sa pagkasobrang defensive ninyo, you came up with other things na hindi naman talaga ‘yun ang focus. Umabot pa sa BIR, sa tax.”
Matatandaang sinabi ni Doctolero na kaya sila may franchise ay dahil nagbabayad sila ng tax.
Matagal nang issue na ang hindi umano pagbabayad ng tax ng ABS-CBN ang isa sa mga dahilan kung bakit nawalan ito ng prangkisa.
Subalit kahit na sa mga naging paginig sa kongreso ay hindi ito napatunayan.
Maging ang BIR mismo ay nagsabing walang utang ang ABS-CBN.
“Ang isang tao, kung talagang ikaw ay talagang may matinong pag-iisip, kung ano ‘yung focus ng story, you can easily get it that quick! Hindi ‘yung p*t*ng ina, iligo-ligoy-ligoy mo pa. Para bang ilayo mo sa pinaka-focus ng sinabi niya.
“Kaya ikaw ay nasaktan dahil isa ka sa mga [basura]. Masakit ba? Guilty ba? Kailangan ba na paliguy-liguyin mo pa para lang mailayo kung ano ‘yung center ng kanyang topic? Stick to the topic. Bakit hindi n’yo aminin?
“You should be really, really thankful and very grateful, kasi nga naman, ang isang direktor ay nakapagsalita nang ganyan para at least malaman n’yo na ang ginagawa n’yo ay basura. So at least, you have more chances in order to think kung ano ba talaga ang ikaka-develop o ikaka-succeed ng ginagawa n’yo, na hindi lang paulit-ulit na basura. And I am the one who can really testify.
“Kaya ikaw, Jaclyn Jose, ‘wag ka nang makisabad, hija. Ay hindi, manang pala. Mas matanda ka sa akin. Kung ano ang pinapagawa nila, sige, go ka lang. Binabayaran ka naman eh. Bakit ka pa makikisabad dito, ‘di ba? Ano’ng ibig sabihin ng pakikisabad mo? It’s very irrelevant kung ano ‘yung issue. ‘Tapos, nakikisabad ka?
“Tapos, ito namang si p*ta*ginang Ai-ai din. Talagang they are really trying hard na nakikisabad para lang sila ay mapansin.”