“Hindi ba pwedeng proud ako sa sarili kong katawan?! Proud akong flat ako?! Proud ako sa self-confidence ko?!”
Ito ang tila naging sagot ni Kiray Celis matapos magkomento ng negatibo ng ilang netizens sa kanyang Instagram post.
“Hindi ko na kasalanan kung may mag bash, manira, manlait, mambastos. Kaya kung anong comment niyo, nagrereflect lang yun kung sino kayo bilang tao.”
Una nang inulan ng mga negatibong komento ang isang Instagram post ng aktres kung saan makikita itong nakasuot ng isang daring outfit.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens hinggil dito.
“Hayaan nyo sya mga kababayan! Gusto nya yan! Kayo ba mga kababayan?! Wala ba kayong ibang gusto maliban sa pagbabash lang?!”
“Iha, huwag kang umasa na lahat ng maririnig mo sa mga tao ay puro pabor sa ‘yo lalo na nag po-post ka ng mga ganyang photos. Kahit nga mga beauty queens may mga trolls e. Ginawa mo yan, be prepared to hear negative comments besides positive ones.”
“i am not condoning body sh*mers but if you put yourself out there, you should be ready to face the consequences. yung luto ko nga sa bahay, bina-bash ng kumakain eh pero proud pa din ako sa luto ko.”
“Mam, ganyan po ang public opinion, may gusto at may ayaw..wag mo expect lahat all praise sau..pabida ka…”
“Your understanding of your body is beyond anybody’s comprehension. Therefore be ready of what others may say if you choose to dare.”
“Not into body sham*r po… If mkikita po s pic kasi n halos lumabas n po eh… So pano po tayong hindi mababastos bilang babae kung gnito po ang mkikita s atin db… Then pag may pumuna …ikakagalit po.ntin…”
“Stand proud even if you were attacked by the basher. Bakit ka mag react eh proud ka nga. Ignore them and be proud. Manawa lang naman ang mga iyan pag di mo pa pansinin”
Ikaw, anong masasabi mo tungkol dito?