Ivana Alawi, ikinuwento ang pinagdaanang rejections bago nakilala sa showbiz

Bago pa man tuluyang nakilala si Ivana Alawi sa mundo ng showbiz ay marami muna siyang napagdaang pagsubok.

Isa ito sa mga napagkuwentuhan nilang magkakapatid sa lates vlog niya sa kanyang YouTube channel.

Kasama niya sa nasabing vlog ang mga kapatid na sina Hash at Mona.

Naikuwento ni Ivana na naranasan niya na dati na walang makuhang trabaho dahil sa itsura niya.

“Dumating din yung time na wala akong naging raket kasi pangit ako.”

Agad naman kumontra si Mona at sinabing maganda ang ate niya.

Idinahilan naman ni Ivana ang mga nakuhang rejections sa trabaho dati.

“Uy, naging chaka… Gusto nila matatangkad. So, hindi ako pumapasa.”

Matatandaang kahit sa mga nakaraang vlogs at interviews ay madalas na naikukuwento ni Ivana ang mga naranasang rejections bago pa man siya napunta sa kinalalagyan niya ngayon.

Taong 2018 na lamang siya nabigyan ng malaking break sa ABS-CBN.

Ito ay sa pamamagitan ng supporting role sa Precious Hearts Romances Presents Araw-Gabi.

Nabigyan din siya ng role sa ABS-CBN primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano.

Naranasan naman niyang maging isa sa bida sa Sino Ang Maysala noong 2019.

At noong 2020 ay nakatakda na sana siyang magbida sa sariling teleserye ngunit mas pinili niyang huwag na muna itong ituloy dahil sa pandemya.

At sa kasalukuyan ay isa na siya sa pinakasikat na vlogger sa YouTube sa pagkakaroon niya ng 13.3 million subscribers.

Ngunit bago pa niya narating ang tinatamasang kaginhawahan sa buhay ngayon, marami muna siyang napagdaanang hirap kasama ang kanyang pamilya.

Bata pa lamang siya nang maghiwalay ang kanyang mga magulang at nagdesisyon ang kanya ina na muling bumalik sa Pilipinas.

Dito nila naranasan ang walang-wala sa buhay.

Dumating daw sa puntong halos wala na silang maulam dahil sa kahirapan.

Nabanggit ito ni Ivana sa isang interview dati.

“Akala ng iba hindi ako dumaan sa hirap, hindi ako dumaan sa times na wala kaming makain.

“Dumaan din ako dun way, way back, pagdating ko sa Pilipinas.

“Yung mama ko laging nangungutang kasi wala kami makain.

“Dumating kami sa point na toyo at saka kanin kasi wala na siya mautangan.”

Ang karanasang ito raw marahil ang pinaghuhugutan niya para magkaroon ng inspirasyon at patuloy na magsumikap sa buhay.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: