Larawan nina Sunshine Cruz at Macky Mathay, kinakiligan ng netizens; Ilang fans, may paalala

Idinaan ni Sunshine Cruz sa isang Instagram post ang pasasalamat at appreciation sa partner nitong si Macky Mathay.

Sa post na sinamahan niya ng larawan nilang dalawa, sinabi niyang:

Thank you for being one of the reasons why I look forward to the next day 🤍

PHOTO: Instagram | Sunshine Cruz

Agad kinakiligan ng netizens ang nasabing post.

Maging ang ilang celebrities ay nag-iwan ng komento sa nasabing mga larawan.

Kabilang dito sina Ruffa Gutierrez, Karla Estrada, Dominic Roque, Geneva Cruz, Arlene Muhlach, Jackie Forster, at iba pa.

PHOTO: Instagram | Sunshine Cruz

Ilang netizens ang humanga sa angking ganda ng aktres.

May ilan ding nagpaalala na irespeto si Sunshine at wag nang ulitin pa ang nangyaring pag-eedit dati sa family picture nito.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

“you are so gorgeous, sexy and pretty. you deserve to be happy Ms. Shine. enjoy your vacay.”

“Beautiful and look younger Sunshine”

“I’m happy for you sunshine you deserve to be happy and contented with your new partner”

“Napakaganda mo pa din Miss Sunshine cruz.❤❤❤lalo nag bloom.”

“Cesar Montano left the group.”

“Sana wala nang mag-edit ulit.”

“Irespeto naman natin sila. Wag n’yo nang iedit ng kautuan.”

Matatandaan kasi na noong nakaraang buwan ay kumalat sa social media ang edited picture ng kanilang pamilya.

Inedit ng ilang netizens ang mukha ng boyfriend niya at pinalitan ng mukha ng isang porn actor.

PHOTO: Instagram | Sunshine Cruz

Hindi ito ikinatuwa ni Sunshine at nanawagan sa mga netizens na huwag kunsintihin ang ganoong pambabastos.

“Sa mga hindi aware, Macky’s face was edited. Binago at ginawang porn actor. The comments as you can see are disgusting. Let’s not tolerate this kind of behaviour here on Facebook.

“Sadly, it is so easy for others to say nasty things on social media. Which reveals the person they are. They must’ve forgotten na may mga babae din silang kapamilya.

“I will never understand why people think making fun of other people is funny. No one has the right to humiliate others. What would you feel kung isa sa pamilya nyo ang gawing katatawanan?

“It only shows the character na meron ang isang tao. Hindi ako humihingi ng respeto pero itrato nyo lang din akong tao. Pareho nyo nasasaktan din ako. Walang ginagawang masama ang pamilya ko kahit kanino.”

PHOTO: Instagram | Sunshine Cruz

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: