Mystica, galit na galit na nagbigay ng saloobin tungkol sa ‘fried towel’ issue

“That is bullsh*t!”

Ito ang naging reaksiyon ng singer-actress na si Mystica hinggil sa kontrobersiya na kinasasangkutan ng fastfood giant na Jollibee kamakailan.

Matatandaang nasangkot sa eskandalo ang sikat na fastfood chain matapos mag-viral sa social media ang reklamo ng isang customer.

Sa halip na chickenjoy, ‘fried towel’ ang naibigay sa customer.

PHOTO: Facebook | Alique Perez

Mabilis itong kumalat sa social media at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa publiko.

Bagama’t maraming kumampi sa nagreklamong customer, may ilan din na tila pinagdudahan pa ito sa naging intensiyon niya sa pagrereklamo.

Mas lalo pang uminit ang pambabatikos sa kanya matapos ang paglabas niya sa programa ni Raffy Tulfo.

PHOTO: YouTube | Raffy Tulfo in Action

Sa opinyon naman ni Mystica na aminadong isa ang Jollibee sa paborito niya, kasalanan pa rin ng mga crew ang nangyari.

“Paano daw yung mga crew na mawawalan ng trabaho? Dapat lang.

“Kasi it’s their obligation to do their job well done.

“It’s their obligation in order for the customers na okay sila.”

Hindi rin tama para sa kanya na akusahan ang customer na nagreklamo.

“Oh my God, tapos sasabihin nila na yung babae daw ang gumawa.

“I mean that’s totally stup*d na yung babae gagawa ng ganun… para lang peperahan.

“Don’t be so f*cking stup*d.

“I am sure that you are just doing that, sinisiraan lang yung babae para kayo ay makalusot.”

Sa huli, pinaalalahan niya ang mga crew na gawin nang maayos ang kanilang trabaho.

“Kaya kayo mga taga-Jollibee na crew, dahil sa pagsasabi nyo na ganyan, na yung babae na tuloy ang nabligtad, siya na tuloy ang may kasalanan, mga p*t*ng*na n’yo!

“Gawin n’yo ang trabaho n’yo nang tama!”

As of this writing ay wala pang ibinibigay na update ang Jollibee hinggil sa issue.

Matatandaang ipinag-utos nito ang pansamantalang pagpapasara ng BGC branch upang pag-aralan ang insidente.

PHOTO: Facebook | Jollibee

Panoorin dito ang video ni Mystica.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: