Nagbigay ng pahayag ang tinaguriang Unkabogable Phenomenal star na si Vice Ganda tungkol sa unti-unting pagbabalik ng mga kasamahan niyang hosts sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.
May tatlong linggo na ang nakakaraan nang bumalik si Anne Curtis sa programa matapos ang mahigit dalawang taong pamamahinga.
View this post on Instagram
Sinundan naman ito ng pagbabalik ni Jhong Hilario na nagpahinga rin nang mahigit isang taon sa showbiz.
View this post on Instagram
Ilang viewers ng show ang napatanong kung tuloy-tuloy na ba ang pagbabalik ng mga dati pang hosts ng noontime show.
Ilan sa mga dating hosts ng programa ay sina Billy Crawford, Kim Atienza, at Mariel Rodriguez.
Nadagdag naman sa show noong kasagsagan ng pandemic si Kim Chiu, at pinakabago host si Ogie Alcasid.
Ayon kay Vice, natatakot na siyang may mabawas pa sa mga kasulukuyang hosts ng show.
“Okay naman na kami. Kasi kapag may bumalik, natatakot ako ha, kapag may bumalik, baka may mabawas.
“Kasi siyempre limited ang kakayahan ng production, ng management namin, ng ABS, limited.
”So, pag may bumalik, baka may mabawas. Ayokong may mabawas sa ngayon. Because the family that we have now with Showtime is so amazing.
“Kasi ang laking bagay nila sa survival ko nitong pandemic. Ayokong may mawala din sa kanila. Kung ito lang ang mayroon kami for now, okay na ‘to.”
Nagbigay rin ng reaksiyon ang ilang netizens hinggil dito.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).
”Ayos na yan. Nairaraos naman nila nang sila-sila lang.”
“Matira matibay na lang. Yung mga mas piniling umalis, dedma na.”
”Bakit kasi ibabalik pa kung mas pinili naman nilang mang-iwan.”
”Alisin na si Kim, ibalik si Mariel.”
”Nakaka-miss din sina Billy at Kuya Kim.”
”Oks na yan. Naisalba naman nila yung show na sila lang. Lalo na nung pandemic.”
”Feeling ko si Billy, Kuya Kim, at Direk Bobet ang ayaw na niyang bumalik pa. Haha”
”Mukhang malabo nang ibalik si Mariel. Lam nyo naman kung bakit. Kasalanan ng mister. Haha”
Ok na ‘tong batch, no more nor less . Kim chiu is very good in hosting:young,n vibrant…enjoy kami dito sa new jersey.