“Pelikula o pulitika?”
Ito ang naging tanong ni Robin Padilla sa netizens sa kanyang facebook Live kahapon, September 16.
Humingi siya ng payo kung itutuloy ba niya ang planong pagpasok sa pulitika o ang pagbabalik sa paggawa ng pelikula.
Sa kasalukuyan ay pinag-iisipan niya raw kung tatakbo siya bilang senador, gobernador ng Camarines Norte, o mayor na bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte kung saan apat na beses na naging mayor ang kanyang ama na si Casimero “Roy” Padilla Sr.
Naging congressman at gonernador din ang kanyang ama sa Camarines Norte.
Ibinahagi rin niya na kung hindi siya matutuloy sa pagpasok sa pulitika ay magababalik naman siya sa paggawa ng pelikula.
May mga nakaabang na umanong offers sa kanya gaya ng sequel ng mga pelikula niyang “Bad Boy” at “Mistah.”
Sinagot naman ng mga netizen sa comment section ang tanong ng aktor.
Narito ang ilan sa komento ng netizens (published as is).
“Huwag na lang, sir Robin. Focus on your family and showbiz career; and also to your health! You can sleep well , have privacy left, even as an actor. And last, peace of mind.”
“Idol gumawa knalang pilikula action movie ,love story etc…wag kna pumasok sa politics,maraming paraan para makatulong sa kapwa alam moyan….wag ka dyan sa politics….”
“Yes go for running idol it’s time to retired in showbiz we need you coz we believe you and you have a soft hearts and matulungin sa mga Filipino”
“sir robin wag kna mg politiko, mas mganda pa gumawa knlng ng mga pelikula.peaceful pa isip pag normal lng ang buhay.”
“Wag na boss, sira na nga pangalan mo lalo mo pang sisirain.”
“Madami ng may s4ltik sa pulitika wag mo ng dagdagan baka mangyare sa gobyerno maging ment4l hospital na”
“Matulog ka nalang sa inyo wag kana dumagdag pa sa magpapa bigat ng problema ng bansa ..”
“gawa ka nalang ng Pelikula mas ok pa po yun. kung gusto naman po nating Tumulong sa kapwa ntn makakatulong naman po kht di na pumasok sa politika.”
“Balik na lang sa showbiz. Masyado na tayong maraming kengkoy sa politika. Wag nang dagdagan.”
“Auto pass, mag movie ka nalang papanoorin ko promise. Lumayo ka nalang sa pulitika. PLEASE, PARANG AWA MO NA.”
“yung hindi mo pagtakbo ay malaking ambag mo na sa lipunan.”
Panoorin ang kanyang Facebook Live dito.