LTO personnel na naka-motor habang nasa bike lane at nakasagi pa ng isang lalaki, inireklamo

Viral ngayon sa social media ang isang Facebook Live video na kuha ng isang concerned citizen sa isang insidente sa pagitan ng isang LTO personnel at isang private citizen sa Quezon City.

Sa video na ini-upload ni Lester Lim Tolosa, makikita na kuha ang video matapos ang insidente kung saan nasalpok umano ng motor ng tauhan ng LTO ang bisikleta ng isang lalaki habang nasa bike lane.

PHOTO: Facebook | Lester Lim Tolosa

Ganito po kasi nangyari, nasa bikelane si LTO sya lang ang nakamotor sa bikelane, redlight nung time na yon sa C5 road tapat ng Miriam college, nung mag green light na biglang liko si LTO para pumasok sa lane ng motor at 4wheels sakto naman din si sir na nakabike pagliko ni LTO salpok si naka bike, tapos hinayaan lang ni LTO iniwan na parang walang nangyari.

At dahil iniwan lamang ng tauhan ng LTO ang nangyari, nagdesisyon silang habulin ito.

Tapos hinabol namin mga nakakita para itama ang mali ni LTO, dun na ako nagsimula mag video and then dumating sila MMDA ipinaliwanag ko kung ano nangyari pero kinampihan lang nila si LTO.

PHOTO: Facebook | Lester Lim Tolosa

Ngunit ayon kay Lester, kinampihan lamang ng mga taga-MMDA ang tauhan ng LTO.

Concern citizen lang po ako gusto ko lang itama o mabigyan ng karampatang parusa sa pagkakamali ni LTO. Bandang huli ako pa nagipit humanap na sila ng butas para malihis lang yung pagkakamali ni LTO.

Inaamin naman niya na may pagkakamali rin siya.

Aminin ko mali din ako dahil nakaharang motor ko, makikita sa video. Pero marami kami kanina dyan, ako nalang natira.

Nilinaw rin niya na inirerespeto niya ang mga public servants.

Nirerespeto ko po kayo mga public servant na naka uniporme. Pero pag mali kayo iba na po yon.

Agad umani ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa netizens ang nasabing viral video.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Ung plaka ng lto 3colors ahahah mga tagapagpatupad pag ako nian d ako mkikipagtalo kasi matatalino mga mmda at lto d nila nakita mga pangyayari ahahhah mga k p l”

“Bigla humina boses mo paps e kinain ka tuloy nung mga enforcer pero dpat dika na nakielam kasi yung nakabike di naman na nagreklamo”

“Parihas na taga gov. Yan wala kang panalo jan..mali Ang lto jan bakit Kasi sya bike lane kayo Ang nagpapatupad lang batas traffiko,kayo naman Ang lumabag..#sirIdolraffytulfo”

“Lahat kasi ng nasa gobyerno magkakampi yan di tumatangap ng pagkakamali gusto nila sila ang boss pag sinabi nila na mali ka mali ka lalo na yang mmda kunsintidor ba nmn namumuno sa kanila!”

“Pare parehong mga BUHAYA mga yan tignan mo imbis na ayusin nila bandang huli ikaw pa nilapa nilang lahat jan REALTALK YAN kaya MASAYA AKO PAG MAY NABABARIL NA TIWALING MGA KAGAYA NILA”

“mr.mmda bkit ikaw dn ang nagpapaliwanag sa side ng LTO?mr mmda at LTO officer ang kakapal ng mga mukha nyo…ngaun si kua pa ang babaliktarin nyo…”

“Videoman i salute you.atlist youve done your part being a good samaritan..”

“Huuuuyy yung nka motor dapat hindi dumaan sa bike lane…..LTO AT MMDA wag nyong takpan ang mali nyo….tama naman yan c kuya”

“Ang point jan ung motor nsa bike lane….tapos…..dba bawal nga don diba pag rider lng huhulihin pero pag nsa goverment pede…sala ata un…”

“Mr videoman dont be afraid.obviously tama ginwa m as a good samaritan..”

“Mga bulok na mmda, pag kami dumaan sa bike lane huli pero pg lto ok lng kahit dumaan sa bike ok lng, wala kaming pakelam sa nakabike, ung pagdaan sa bike lane ang issue mga bugok na mmda”

As of this writing, mayroon nang 63K shares ang nasabing video.

Panoorin ang viral video dito.

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!