Tila gumana ang pagiging ‘matanglawin’ ni Kim Atienza o mas kilala bilang ‘Kuya Kim‘ nang mapansin niya ang isang ‘inaapropriate’ ad ng online shopping platform na Lazada.
Agad niyang tinawag ang atensiyon nito sa pamamagitan ng isang tweet.
Tanong niya:
Do you even know what you are selling? Is this even legal? I’m calling you out. Shame.
Shame on you @LazadaPH Do you even know what you are selling? Is this even legal? I'm calling you out. Shame. pic.twitter.com/n180I15Pd8
— kim atienza (@kuyakim_atienza) March 3, 2021
Sa larawan kasi ng isang ad ng online shopping platform ay makikita ang isang babae na tila natutulog at nakalabas ang isang dibdib sa suot nitong sando o blouse.
At ang nakalagay na description ng item sa ad ay “one-second spray marriage.”
Isa pala itong ‘hypnotic spray‘ na maaaring magamit sa karahasan laban sa kababaihan.
Agad naman nag-reply ang Twitter account ng Lazada sa kaniyang tweet.
Hi! Thank you for bringing this to our attention. This has already been coordinated with the relevant teams for checking and investigation. Rest assured that our team is already on top of the issue. Thank you and stay safe! -Starr
Hi! Thank you for bringing this to our attention. This has already been coordinated with the relevant teams for checking and investigation. Rest assured that our team is already on top of the issue. Thank you and stay safe! -Starr
— Lazada Philippines (@LazadaPH) March 3, 2021
Sumagot din agad si Kuya Kim sa reply at sinabing hindi pa rin naaalis ang nasabing ad.
Your ad is still out as your team investigates. https://t.co/8AW4O9TJYL
— kim atienza (@kuyakim_atienza) March 4, 2021
Karamihan ng nasa comment section ay sumang-ayon naman sa ginawang pag-call out ni Kuya Kim at tinawag pang ‘rape product‘ ang nasabing inieedorso sa ad.
May ilan ding nagsabi na may ibinebenta ring kahalintulad na produkto ang sa isa pang kilalang online shopping platform.
As of this writing ay wala pa ring official statement mula sa nasabing kumpanya.