Nahihiya ka kasi na-realize mo na mali ‘yung ginawa mo o nahihiya ka kasi nabuking ka nila?
Ito ang naging tanong ni Vice Ganda sa isang contestant ng Tawag ng Tanghalan nang mapag-usapan ang naging pagsuporta nito sa ABS-CBN shutdown.
Ang pambato ng Visayas – Kaloy Villaver! #ShowtimeBetNaFEB pic.twitter.com/HM4FP82EN8
— Tawag Ng Tanghalan (@TNTABSCBN) February 23, 2021
Pinag-usapan ang episode ng It’s Showtime ngayong araw, February 23, lalo na ang pagsali ni Kaloy Villaver na “nabuking” ng mga netizens na sumuporta sa ABS-CBN shutdown.
Noong nakaraang linggo ay nag-post sa kaniyang Facebook account si Villaver para humingi ng suporta sa kaniyang pagsali sa singing contest ng It’s Showtime.
Naging mabilis naman ang mga netizens sa pag-screenshot ng mga lumang post ni Villaver na tahasang nagpapahayag ng suporta sa pagpapasara ng network.
Agad siyang tinawag ng mga Kapamilya supporters na “makapal ang mukha” dahil nagawa pa nitong sumali sa singing contest ng ABS-CBN sa kabila ng kagustuhan nitong maipasara ang network.
Sa interview portion pagkatapos ng performance niya kanina, ang nangyaring pambaba-bash sa kaniya sa social media ang naging sentro ng usapan nila nina Vice Ganda at Kim Chiu.
Panimula ni Vice:
Sa mga hindi nakakaalam, isa si Kaloy sa mga nag-post online ng ‘YES TO ABS-CBN SHUTDOWN’.
Hindi naman ito itinanggi ni Kaloy at inamin na very vocal siya sa kaniyang political stand dati.
Dagdag pa niya:
Actually, I am very thankful na binigyan ako ng chance ng network to share my talent to everybody and have my story heard.
Ang sumunod na tanong ni Vice:
Anong feeling na andito ka ngayon sa studio ng network na minsan mong ipinanalangin na mapasara?
Inamin ni Kaloy na nahihiya siya at iniwsan na lang daw niya na magsalita pa dati dahil baka mas mapahiya pa.
Ito rin daw ang dahilan kung kaya nag-deactivate siya ng kaniyang social media accounts.
Sa pagpapatuloy ni Vice:
I want to understand you. Kung magagalit sila sa’yo, hindi mo iyon maiaalis sa kanila. Ako, I want to understand. Bakit mo nasabi yun?
Inamin naman ni Kaloy na impluwensiya na rin daw ito ng mga fake news sa paligid na pinaniwalaan niya.
Sa puntong ito, humingi siya ng paumanhin dahil sa nasabi o nagawa niya.
Naging emosyonal naman si Kim Chiu at sinabi na iba raw pala ang pakiramdam na makaharap ang taong ginustong maipasara ang network.
Dagdag naman ni Vice:
Everybody deserves a chance, just like you and ABS-CBN. Everybody is deserving of all the chances. Binibigyan ka namin ng chance, binibigyan namin kayo ng lahat ng chance na ma-realize na ang ABS-CBN ay dapat bigyan n’yo rin ng chance na makapagbigay pa rin ng serbisyo sa inyo.
This is part of our journey to healing. Everybody needs to heal.
Sa Twitter, samu’t sari ang naging reaksiyon ng mga netizens.
Narito ang ilang tweets tungkol dito.
Everybody deserves a second chance. Isa din sya s nabiktima ng fake news cgro. Peace to everyone nalang ❤️❤️❤️#ShowtimeBetNaFEB
— Heymamacolours (@heymamacolours) February 23, 2021
I SALUTE VICE THE WAY SHE HANDLE THE CONVERSATION BETWEEN CALOY WHO YES TO ABSCBN SHUTDOWN 😭#ShowtimebetnaFEB
— :)(: (@_IMKAYUMANGGI) February 23, 2021
SO BRAVE KAY KUYA AT KUDOS TO YOU!! SANA MAKUHA NATIN KUYA KALOY ANG KALAYAAN SA 2022 !! MAGTULUNGAN TAYO!! 🙏🏻😭❤️ #ShowtimeBetNaFEB
— CHARMY (@nomnomcharmy) February 23, 2021
Sobrang awkard!! Pero pwede naman magbago at magtulungan sa 2022!! BAKIT AKO NAIIYAK?? NAFEEL KO NA NAMAN ANGPAGOD NG BUONG PILIPINO AT UHAW LANG SA PAGBABAGO PERO NABIGO AT NABUDOL NG ADMINISTRASYON NGAYON!! SANA MAGTULUNGAN TAYO SA 2022 AT MATUTO NA TAYO!! 🙏🏻 #ShowtimeBetNaFEB
— CHARMY (@nomnomcharmy) February 23, 2021
Kung tutuusin, mabait pa talaga si Meme at ang @itsShowtimeNa. Hinayaan nilang magpaliwanag si Contender ng panig niya. Grabe ang pinagdaanan ng lahat noon, pero handa ang mga Kapamilya na makinig. #ShowtimeBetNaFEB
— 🙂 (@masayangjose) February 23, 2021
Yung nag ABSCBN Shutdown ngayon nag perform sa TNT Ang KAPAL NG MUKHA ANG PLASTIC 😠#ShowtimeBetNaFEB
— John Brickman (@Migs_Apollo) February 23, 2021