Pa-unfollow na lang po. Your homophobic remarks are not welcome here.
Ito ang naging sagot ni Jervi Li o mas kilala bilang KaladKaren Davila, sa isang netizen na nagkomento sa kaniyang Instagram post.
It’s a tie na lalaki kayo dalawa, hindi naman kailangan post ‘yan, laswa. Ang babae ay para sa lalaki.
Pinatutungkulan ng comment ang boyfriend ni KaladKaren na si Luke Wrightson.
Open si KaladKaren sa publiko pagdating sa relationship nila ng kaniyang British boyfriend.
Walong taon na ang kanilang relasyon at engaged na sila noon pang nakaraang taon.
Ipinost ni KaladKaren ang screenshot ng nasabing comment sa kaniyang Facebook account at nilagayan ng caption.
Sa caption, nagpaalala siya na may karapatan tayong lahat na mamili. Lahat din daw tayo ay may opinyon at kung bagay man na salungat sa paniniwala natin, matuto tayong rumespeto.
Narito ang buong caption niya:
In life, we all have the freedom to choose. Lahat tayo may opinyon. Now, if something doesn’t agree with your beliefs, respect.
Let’s respect each other’s opinion as long as our opinion doesn’t disrespect anyone else’s existence.
Sa post na ito, may isang netizen na nagkomento ng “sexual immorality” at dinugtungan pa ito ng mahabang bible verses.
Hindi rin ito pinalampas ni KaladKaren at sinagot:
Ang haba naman ng comment mo. Pakibasa na lang ‘yung post. Please unfollow and leave. See you in hell.
Unang nakilala ng publiko si KaladKaren sa isang viral video kung saan ginagaya niya ang batikang broadcaster na si Karen Davila.
Kilala rin siya bilang isa sa mga matapang na sumusuporta at nagsusulong ng mga LGBTQIA+ rights.