St. Peter funeral service, inirereklamo dahil sa umano’y ginawa sa labi ng isang namatay

Viral ngayon sa social media ang isang video kung saan makikita ang kamag-anak ng isang namatay na inirereklamo ang St. Peter funeral service.

Sa nasabing video, maririnig ang hinaing ng isang apo ng namatay habang kinukuhanan niya ng video ang labi ng kanyang lola.

Makikita sa video na hindi na inalis pa sa loob ng body bag ang katawan ng kanyang lola bago ito ilagay sa loob ng kabaong.

Inirereklamo niya ang St. Peter na umano’y nagpabaya sa serbisyo nito sa kanila.

Ipinakita pa niya ang sasakyan ng patay para patunayang St. Peter nga mismo ang pinatutungkulan niya ng kanyang mga reklamo.

Ayon sa kanya, kamakailan lamang ay namatayan din siya ng asawa ngunit naging maayos naman ang nakuha niyang serbisyo para rito.

Malaki umano ang kaibahan nito sa ginawa sa kanyang lola na hindi na inalis pa sa loob ng body bag.

Hindi na rin umano nagawa pang ayusan man lang ang labi at bihisan ito nang mas maayos.

Hindi naman malinaw kung ano ang ikinamatay ng nasabing lola at kung may kinalaman sa C0VID-19 ang sanhi ng pagkamatay nito.

Agad namang nag-viral ang nasabing post at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa publiko.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens.

“Kulang naman sa detalye. Di tuloy natin malaman kung bakit ganyan ang nangyari.”

“Baka naman kasi virus ang ikinamatay kaya ganyan?”

“Kung virus yan, diretso cremate na yan.”

“Kung ganyan ang ginawa sa kamag-anak nyo, papayag ba kayo?”

“same sa tito ko namatay sa hospital din dina binihisan diretso kabaong kase late ang result ng swab libing agad pero sa result negative. late nga lng ang result nya nailibing na”

‘Baka po c0vid? Di na po ginagalaw”

“Takot siguro sa c0vid Kaya ginanyan nila”

“Grabe..pwede naman mag PPE ang taga st Peter sus anung klase sila,mag full gear sila at mag oxygen habang nag iimbalming kung takot sila,sayang ang binabayad sa kanila ng tao bastos mga yan ah!”

‘Positive sa C0vid cguro kaya nag aalanganin yun mag embalsamo…”

“Kawawa naman…di man lang mabigyan ng desenteng ayos… St. Peter, paki aksyon!”

“dito sa talisay cebu ganyan din nangyari diretso kabaong”

“Bka d ndlhan ng pmilya ng isosoot..bka dpa nbalsamo c lola..kwwa nman..”

“Mga walang awa kala .o di mga tao eh’no?matakot naman kayo sa pinag gagawa nyo tao po’ yan”

“Yun kikitain pera ang priority syempre hindi yun maayos na serbisyo.”

“grabe naman kung o body bag ninyo i cremate na lang ninyo kesa ganyan”

“Tinamad sila lahat diritso kabaong jusko” 

Panoorin ang nasabing video dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: