Former Viva Hot Babes member Sheree, first time maghubad sa pelikula

Isa sa sumikat na grupo noong early 2000s ang girl group na Viva Hot Babes.

Nakilala sila sa ilang mga novelty songs at sexy films na pinagbidahan ng ilan sa mga miyembro nito.

Kabilang sa mga miyembro ng grupo sina Maui Taylo, Katya Santos, Andrea Del Rosario, Gwen Garci, Sheree, at iba pa.

Nang maghiwa-hiwalay ang grupo ay nagkanya-kanya na sila ng karera sa showbiz.

Karamihan sa kanila ay tuluyang pinasok ang mundo ng pag-arte.

Kabilang nga dito si Sheree na ngayon ay isa mga bida sa pelikulang Nerisa ng Viva Films.

Sa pagpasok ng pandemya ay naging trend o uso ang mga pelikula na may temang hubaran o pagpapaseksi.

Dahil hindi na nga sakop ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB ang mga online films, naging mas mapangahas ang mga pelikula pagdating sa mga maiinit na eksena.

Isa si Sheree sa mga sexy actress na walang pag-aalinlangan sa paghuhubad sa mga eksena niya sa sexy-drama film na Nerisa.

Kasama niya rito sina Cindy Miranda, Aljur Abrenica, Sean de Guzman, at AJ Raval.

Ibinunyag ni Sheree na sa pelikulang ito siya unang nagpakita ng maselang bahagi ng kanyang katawan.

Sinabi rin niyang pinaghandaan niya ang pagtanggap sa nasabing role.

“Before I accepted the role, ni-ready ko na yung sarili ko.

“So, yes, first time po, virgin na virgin pa ako sa pagpapaseksi sa movie.

“Na-devirginize na po ako sa Nerisa. Ako yung isa sa mga sex worker sa isla.”

“Isa sa mga kaibigan at tagapagligtas ng mga kaibigan ko ang role ko at, bilang isang kaibigan, ano ba yung pambayad ko sa mga kaibigan na pinoprotektahan ko, which is yung pagiging daring at sexy.

“Very important din yung karakter na nagpakita ako ng kaseksihan. Hindi siya konti, medyo marami.

“Pero hindi ko pinagsisisihan. I’m very happy that I got the character.”

Nagpapasalamat daw siya sa Viva at sa direktor ng pelikula na si Lawrence Fajardo.

“Maraming salamat sa pag-guide sa akin dahil, sabi ko nga, virgin ako sa sobrang paseksi sa movie, pero ginawa ko dahil I trusted Direk Law so much.

“Sabi ko talaga, kahit ipakita ko lahat, alam ko na magiging tasteful yung dating ng karakter at saka ng film.”

Ikinatuwa naman ng mga tagahanga niya na mula siyang mapapanood sa isang sexy film.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens (published as is).

“Isa si Sheree sa dahilan ng pagtangkad ko.”

“Wow! Panonoorin ko talaga to.”

“Sana may reunion movie sila ng iba pang members ng Viva Hot Babes.”

“Ready na po ang lotion at tissue. Joke lang.”

“Di pa pala siya naghubad sa pelikula dati?”

“Isa siya sa mga crush ko dati. Buti naman at active pa sa showbiz.”

“Wow. Aabangan ko talaga to. Hubad kung hubad daw eh.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: