Mga Pinay na nabiktima ng isang foreigner, nagbabala sa ‘modus’ nito

Usap-usapan ngayon sa Facebook ang ginawang pagrereklamo ng ilang Pinay na nabiktima ng isang half-British, half-Italian.

Sa post sa Facebook page ng GMA-7 show na “Kapuso Mo, Jessica Soho,” nagbigay ng ilang detalye ang mga nasabing biktima ng foreigner.

Ikinuwento ni Aurora na nagkakilala sila ni Casper sa isang dating site.

Matapos umano ang ilang buwan ng pakikipag-chat ay nakipagkita siya dito.

Mabait naman daw ito at maganda ang ugali, bukod pa sa angking kaguwapuhan.

“Hanggang sa nag-decide na kaming magsama.

Akala ko talaga nakilala ko na ‘yung taong makakasama ko habambuhay!

Hanggang sa nabuntis ako. Two months pagkatapos niyang malaman na buntis ako, doon na siya nagbago!”

Hindi na niya inasahan ang sumunod pang nangyari.

Wala akong kamuwang-muwang na tinangay niya na lahat ng mga mahahalagang gamit namin! ‘Yung motor, ‘yung pera galing sa mga pinagbentahan, bitbit niya nang umalis siya!

Hindi na talaga siya nagparamdam pagkatapos nu’n!”

Ikinuwento naman ni Susan na nabiktima rin ang anak niya ng nasabing foreigner.

“Nakilala ng anak ko si Casper online.

Tapos ‘yung anak ko, nagpaalam, pupunta raw sila ng Siquijor. Akala ko naman papasyal lang. Pero hindi na siya umuwi.

Tumawag na lang siya sa akin at sinabing nagsasama na sila doon!

Pagkalipas ng ilang linggo, sumusuka siya. Akala ko nalamigan lang. ‘Yun pala, buntis siya!”

Bigla na lang din umanong naglaho si Casper na parang bula at hindi na nila nakita o na-contact man lang.

Gaya ng unang biktima, isa pang babae ang nakakilala kay Casper sa isang dating site.

Ayon kay Belle, sobrang gentleman ni Casper at may hawig ito kay Steven Seagal.

Nag-live in silang dalawa hanggang sa naglaho na lang din ito na parang bula.

“Pero isang araw, bigla na lang siyang nawala!

“Hindi siya nag-text. Hindi siya nagpaalam.”

Sobrang sakit. Lalo na nu’ng nalaman ko na marami pa po pala kami at worse ang ginawa niya sa iba!”

Umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa netizens ang nasabing Facebook post at ang mga kuwento ng mga biktima.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Isang malaking PAMILYA kapag nagkita-kita mga anak niya. Family reunion na raw Mareng Jess. Lupet mo Casper😂😂😂”

“Tikim lng ng tikim ang gusto ng putang in*ng hayop na casper na yan..sanay mabura na sya sa mundo.”

“Gwapo pa more, tas sisi sa panget, awet sainyo. Sarap nyong pagtatadjakin, sabay recall beynte tas sticker sa pagmumuka. 🙂”

“Natawa ako Basta diko Alam natawa ako bigla buruin mo do nila lubusan kilala nag pa buntis sila agad waw.”

“Humanap kayo ng pangit at ibigin kayo ng tunay.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: