Frontal nudity ni Paulo Avelino, pinagkaguluhan

Kasama sa trending topics sa Twitter ngayong araw ang #FanGirlMMFF, Charlie Dizon, at Paulo Avelino.

Ang lahat ng ito ay may kinalaman sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2020 official entry na Fan Girl. Isinulat ito at idinirek ni Antoinette Jadaone.

 

Maliban sa positibong feedback mula sa mga nakapanood na ng pelikula, usap-usapan ang isang mapangahas na eksena dito.

Sa nasabing eksena tila buong-pagmamalaking ibinuyangyang ni Paulo ang kaniyang ari habang umiihi.

Samu’t sari ang naging reaksyon ng mga netizens.

Narito ang ilang komento.

Ngayong araw, December 25, pa lamang nagsimula ang streaming ng mga pelikulang kasali sa MMFF. At dahil nga sa nararanasang pandemya sa Pilipinas at sa buong mundo, sa online streaming na lamang muna mapapanood ang mga pelikula sa duration ng festival na tatagal ng dalawang linggo.

Ngunit sa advance screening pa lamang ng Fan Girl ay pinag-usapan na ang daring scene na ito ni Paulo at ginamit pa ng ilang netizens ang #PaUloniPaulo para mag-tweet ng kanilang reaksyon.

Sa kasalakuyan, nagkalat na nga sa Twitter ang screenshots ng nasabing eksena. 

Sa kabila nito, may paalala ang direktor ng pelikula.

Kung hindi mo pa napapanood ang pelikula, maaari pa ring bumili ng ticket sa link na ito:

https://www.gmovies.ph/content/vod/fan-girl/5fc5896fe561fc3b633fcd62?lang=en

One thought on “Frontal nudity ni Paulo Avelino, pinagkaguluhan

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: