PBB housemate, pinag-usapan sa social media dahil sa underwear?

Napukaw ang atensyon ng mga netizens nang mapansin sa isang episode ng Pinoy Big Brother (PBB) Connect ang isang eksena kung saan tila walang suot na underwear ang housemate na si Chico Alicaya.

Si Chico ay kilala rin bilang ang Striving Footballer ng Cebu.

PHOTO: Pinoy Big Brother

Sa nasabing episode, binigyan ng task ni Big Brother o Kuya si Chico na tulungan ang noo’y mga isolated housemates na sina Chrismar, Ella, at Andrea.

Sa task na ito ay kailangang hanapin ni Chico ang isang nakatagong tablet sa loob ng bahay ni Kuya.

Ginawa ni Chico ang paghahanap noong mga oras na natutulog na ang kaniyang mga kapwa-housemates.

Kapansin-pansin na nakasuot na lamang siya ng pajama at walang damit na pang-itaas.

Hindi nakaligtas sa matalas na paningin ng mga manonood ang eksenang ito at agad silang nag-tweet ng screenshots ni Chico habang abala sa paghahanap sa loob ng bahay.

Narito ang ilang tweets.

Anong masasabi mo tungkol dito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.

error: Content is protected!
%d bloggers like this: