Throwback pictures ni Ivana Alawi, viral sa social media

Usap-usapan ng netizens ang ilang throwback pictures na ipinost ng vlogger-actress na si Ivana Alawi.

Sa latest post kasi ni Ivana, ibinida niya ang ilang larawan na kuha noong bata pa siya.

RELATED POSTS:

May caption ito na:

Baby Ivana Alawi 😍❤️

Kasama ni Ivana sa nasabing mga larawan ang mga kapatid na sina Hashim at Almira, maging ang kanilang mga magulang.

Mabilis na nag-viral ang nasabing post at umani ng reaksyon ng netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Beautiful family.”

”Ang cute ni Ivana nung bata. Kamukha ng nanay.”

”Ang ganda talaga ng mama nila.”

”Malakas ang dugo ng papa nila. Kitang kita sa mukha nilang magkakapatid.”

”Wala ba si Mona?”

”Bata pa lang, maganda na talaga si Ivana.”

”Alam na kung kanino nagmana si Ivana.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!