Social media influencer Sachzna Laparan, binastos at tinakot ng pulis sa isang restaurant?

Usap-usapan ngayon sa social media ang post ng vlogger na si Sachzna Laparan.

Sa kanyang Facebook post, ikinuwento ng vlogger ang naging karanasan kamakailan nang kumain sila ng kanyang pamilya sa isang restaurant.

“Gutom kami galing sa mahabang byahe, nag punta kami sa isang resto.. nung una nag hintay kami ng vacant table then after 5mins okay na.. fast forward. Nakakain & nakaupo na kami.. been there 20 mins already and pinareserve namin yung kabilang seat dahil may relative kaming dadating.”

Nang may dumating na isang babae at isang lalaki ay umupo umano ang mga ito sa ipinareserba nilang table.

Nilapitan daw ang mga ito ng manager at maayos na kinausap na naka-reserve na ang nasabing table at inalok na lumipat sa iba pang bakanteng table.

“Then they refused at nilapitan kami ng manager para pakiusapan na baka pwedeng sa kabilang table nalang yung darating na relative. Pumayag kami agad kase mas malaki din naman yung table na lilipatan at pwede naman kaming lumipat.”

Akala raw nila ay maayos na ang lahat, ngunit bigla na lamang nilang narinig ang sinasabi ng nasa kabilang table.

“Akala namin ayos lang ang lahat, maayos na kumakain at nagkukwentuhan.. Until narinig naming may mga biglaang rants sa kabilang table at biglang galit nalang ng di namin alam. Nung lumapit yung isa sa mga staff nila to cater their orders..

“Tinaasan sya ng boses at sinabing “ Magkano ba lahat ng mga inorder nila, babayaran ko! ( habang nakatingin samin ) At naglabas ng bugkos ng pera sa bag at hinampas sa table.

“We are shocked by what he did dahil tahimik lang kaming kumakain. Pero binastos kami at nagtanong si mama na ano pong problem and this happens…..”

Dito na raw nagpakilala ang lalaki bilang pulis.

“POLICE: Pinapalayas nyo kami! Ang babatos nyo (Which is wala namang kumakausap sa kanya sa table namin but the manager of the restaurant. So na weirdan kami sa mga nangyayari and he added…)

“POLICE: POLICE AKO! GAANO BA KAYAMAN YAN! GUSTO MO BILHIN KO YAN! (REFERRING TO ME, AT WALA TALAGA AKO IDEA SA MGA NANGYAYARI)

“Ate na kasama ng so called police: BUNTIS KASE AKO! BAKIT NYO AKO BAKIT NYO KAMI PINAAALIS?! (Wala namang nagpapaalis sa kanila, in fact kami na nga ang willing mag adjust)”

“MAMA: Kuya, Police ka pala eh! Diba dapat ikaw yung nagpoprotekta sa amin? (Lalo syang nagalit at sinabihan kaming mga bastos kayo, without knowing yung dahilan kung bakit ganoon sya kagalit.)”

Ayon pa sa post, natakot silang lahat lalo na at binantaan silang huwag i-post ang video.

“But deep inside.. takot kaming lahat kasama pa yung kapatid kong 15 years old. He was acting na as if galit sya at may binubunot sa bag nya.

“We were threa tened na wag i-post yung mga videos na to dahil idedemanda nya kami ng CYBERCRIME.

“Nung nag start na ko mag video, pinapalabas nila na kami pa ang nang bastos. KAHIT WALA KAMI SINABING KAHIT ANO AGAINST SA KANILA. Weird. Then biglang tago ng pera na hinampas nya sa table nila.”

Nagdesisyon daw siyang i-post ang pangyayari upang makapagbigay na rin ng awareness sa lahat.

“Sabi ko sa sarili ko kailangan kong i-post to para magbigay ng awareness sa mga taong makaka encounter neto! I need to stand up and speak up to protect myself and my family.

“Paano kung sa iba to nangyari? Hahayaan na lang maliit maliitin ng ibang tao? Kasi takot. Kasi pinagbabantaan?

“I KNOW! THIS IS TRAUMATIZING! Pero sabi ko nga, I NEED TO SPEAK UP!”

Basahin dito ang kabuuan ng nasabing post.

As of this writing, mayroon nang halos 7 million views ang nasabing video.

Panoorin ang video dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!