Umalma si BB Gandanghari sa naging komento sa kanya ni Ogie Diaz hinggil sa naging payo niya sa isyu ng hiwalayan ng pamangkin na si Kylie Padilla at ng asawa nitong si Aljur Abrenica.
Si Kylie ay anak ng nakababatang kapatid ni BB na si Robin Padilla.
View this post on Instagram
Matatandaang sa isang Instagram Live, nagbigay si BB ng payo sa dalawa matapos siyang tanungin ng netizens hinggil dito.
Pinayuhan niya ang mga ito na huwag isapubliko ang away nila para na rin sa kapakanan ng kanilang dalawang anak.
“What I can advise to these two, being younger that you are, e, try to keep your dirty linen in the washroom. I’m sure you know what I mean.
“I think… ayoko… mahirap makialam. Pero yun lang. Try to keep things as much as possible kasi may mga anak kayo, unang-una.
“So, yun lang masasabi ko. That’s a very touchy subject.”
Ang payo niyang ito ang isa sa naging topic ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube vlog kamakailan.
“Siya talaga nagsabi noon? Dapat in-advise na rin iyon sa sarili niya, di ba? Paano ka naman pakikinggan?”
“Siguro kung maririnig ito ng iba, si BB sinasabihan ang kanyang pamangkin at si Aljur, itago na ang dirty linen, huwag ipagpag [sa publiko].
“Sino ka, BB, para magsabi ng ganyan, kung ikaw nambubuko?”
Nakarating kay BB ang nasabing komento at hindi niya ito pinalampas.
Sa isang Instagram Live kahapon, November 3, sinagot ito ni BB.
“Aminin niyo iyan at kung hindi puro paninira lang sa artista ang sinasabi—kung sino man ang buntis, hindi buntis, di ba?” aniya.
“Di ba, kung kumpare ka ni Robin, hindi ka ba matutuwa doon sa in-advice ko? Talaga, Ogie?
“Meron ka pa ring masama na nakita doon sa in-advice ko? E, talagang negative kang tao…”
Tahasan ding sinabi ni BB na para sa kanya ay walang kredibilidad si Ogie.
“I’m, sorry, Ogie, clearly you don’t know what I’m talking about.
“Honestly, you have no credibility to me, zero. Zero credibility.
“I really have to react kasi talaga sisirain mo ang credibility ko diyan!? Excuse me sa iyo…”
View this post on Instagram
“Kung ikaw, bilang kumpadre sana ni Robin, dapat sana, kung ikaw ay level-headed person, you should’ve… sabihin mo, ‘Tama this time ang auntie niyo, makinig kayo.’
“Pero hindi. Gusto mo kasi ng balita. Ayan ka na naman. Wala ka nang sinanto. Kaloka ‘to.
“Makinig ka. You’ll get it from me.
“Clearly, you don’t know what you’re talking about. Don’t ridicule me because babalik ko sa iyo iyan, ‘no.
“Ganyan ka na ka-negative. You think yung pinagdadaanan ng pamangkin ko, e, gagawin kong biro? Excuse me.”