From ABS-CBN to ABC-ZNN: Nagpalit na nga ba ng pangalan ang network?

Nagpalit na nga ba ng pangalan ang broadcasting giant na ABS-CBN?

Ito ang naging tanong ng publiko matapos unti-unting baguhin ang logo sa taas ng Eugenio Lopez Jr. (ELJ) Communications Center building at palitan ng black logo ng ABC-ZNN.

Ngunit ito ay bahagi lamang ng marketing at promotion ng bagong series ng Netfliz na pinamagatang “Trese.”

Ang ABC-ZNN ay ang fictional TV station sa nasabing Pinoy novel adaptation ng streaming company.

Maliban sa pagpapalit ng pangalan, naging bahagi rin ng gimik ng series ang pagpapailaw ng kulay pula sa building ng ABS-CBN.

Mula sa nakasanayan nang kulay ng network na red, blue, at green, nagig kulay pula lamang ito na may malalaking letra ng titulo ng series.

Hindi man bahagi ang ABS-CBN sa mga gumawa ng nasabing series, artista naman nila ang pangunahing bida ng series.

Ito ay si Liza Soberano na nagboses sa main character na si Alexandra Trese.

Ang “Trese” ay ibinase sa Filipino komiks na gawa nina Budjette Tan at Kajo Baldismo.

Ngayong streaming na ang nasabing series, samu’t sari ang nakuha nitong reaksiyon mula sa publiko.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento (published as is).

“Watching #TreseOnNetflix and I have to say, I would love that #Netflix continues the series. Providing an introduction to Filipino mythology. I want to support it as much as I can. Hopefully giving it better animation, better writing, and a long series. #FilipinoPride”

Watched Trese last nyt imo this spirit detective series i guess was perfectly illustrated. She looks like Constantine though. Accent couldve more Pilipino whenever she speaks Tagalog chants, kashe shobrang Filam eh. Tagalog script, screenplay medyo theatrical #TreseOnNetflix”

So effin proud to be in the voice cast for this landmark Netflix anime series. Check it out #TreseOnNetflix #FilAmPride Flag of Philippines🎙”

Bandwagon na eto pero ang GANDA GANDA ng #TreseOnNetflix Weird lang sa akin kasi Filipino ang audio ko pero binabasa ko pa rin ang English subtitles tapos magco-comment ako na medyo malayo naman ang translation… surreal to see some parts of Manila in an animation! #trese”

* * * * * * * * * * * *

Please follow us on our social media accounts! 😍

Facebook: www.facebook.com/thepinoydaily

Twitter: www.twitter.com/thepinoydaily

Instagram: www.instagram.com/thepinoydaily

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected!