Kamakailan lamang ay lumabas ang balita ng pagpapaalam umano ni Jhong Hilario sa mga shows nito sa ABS-CBN.
Ito ay upang bigyan ng prayoridad ang kapakanan at kalusugan ng kanyang asawa na si Maia at ang bagong-silang nilang anak na si Sarina.
Ayon sa balita, nagpaalam na pansamantala si Jhong sa noontime show na ‘It’s Showtime‘ pati na rin sa celebrity impersonation competition na ‘Your Face Sounds Familiar‘ (YFSF).
Sa muling pagbabalik nga raw ng mga live episodes ng noontime show, hindi na muna mapapanood si Jhong bilang isa sa mga main hosts nito.
Sa YFSF naman ay nag-exit na rin siya bilang isa sa mga celebrity performers — bagay na pinanghinayangan ng mga tagasubaybay ng programa dahil ilang beses na siyang naging weekly winner.
Kaninang tanghali, April 12, ay new episode na ang iniere ng ‘It’s Showtime.’
Ito ang episodes na nai-tape pa nila bago pa muling sumailalim sa ECQ o enhanced community quarantine ang Metro Manila at ilang karatig-probinsiya.
Wala na sa nasabing episode si Jhong dahil ilang araw na rin itong absent sa programa kahit bago pa sila tumigil sa pag-ere ng new episodes.
Simula na ang fun ngayong Lunes ng tanghalian kasama ang Showtime family! #ShowtimeTanghaliFUN pic.twitter.com/Qlgx3jRTwA
— It's Showtime (@itsShowtimeNa) April 12, 2021
Agad namang ikinalungkot ng mga avid viewers o ‘madlang people’ ang balita ng pansamantalang pagkawala ni Jhong sa programa.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento.
“Sana maging maayos na ang sitwasyon natin para makabalik sa silang lahat.”
“Go lang, Kuys Jhong. Focus ka muna sa family.”
“Suportado kita sa desisyon mo, lodi.”
“Para sa baby, oks lang!”
“Mami-miss ko ang tandem nyo ni Vice. Ibang klase kayong dalawa.”
“Okay lang yan basta walang lipatan ng station ha.”
“Mamimiss ka namin, lodi. Lalo na ang batuhan nyo ng jokes nina Vice at Vhong.”
“Ayos lang yan, pansamantala lang naman. Di gaya ng ibang umalis na lumipat na ng ibang channel.”
“Enjoy your time sa baby mo at sa misis mo.”
“Ok lang naman yan. Baka nga naman mahawa pa siya ng virus sa kung saan tapos maiuwi niya sa bahay nila. Deikado.”
“Balik ka agad ha!”
Samantala, tuloy pa rin naman daw ang trabaho ni Jhong bilang konsehal ng Makati.