Tinawag ng ilang netizens na ‘bida-bida’ at ‘atribida’ ang celebrity mom at talent manager na si Annabelle Rama.
Kasunod ito ng balita ng pagpanaw ng batikang aktres na si Cherie Gil.
RELATED STORIES:
- Cherie Gil, pumanaw na sa edad na 59
- Pagpanaw ni Cherie Gil, nakita ni Rudy Baldwin sa isang pangitain?
Pumanaw ang tinaguriang “La Primera Contravida” noong Biternes, August 5.
Bago pa man maglabas ng opisyal na pahayag ang pamilya nito para kumpirmahin ang pagkamatay nito, nauna nang nag-post sa kaniyang mga social media account si Annabelle.
Sa kaniyang Facebook accout at Twitter account ay nag-post siya ng itim ba larawan na may mensahe tungkol sa pagpanaw ng beteranang character actress.
”Cherie Gil just passed away at 5PM today. Please pray for her. 🙏”
\
Ilang sandali pa ang lumipas bago ang mismong pamangkin ni Cherie na si Sid Lucero ang nagkumpirma ng balita.
Hindi ikinatuwa ng ilang netizens na nauna pang mag-announce ng isang sensitibong balita si Annabelle kaysa sa mga kapamilya mismo ng namayapa.
Anila, sana raw ay inirespeto man lang nito ang pamilya ng aktres o kahit na si Cherie mismo.
Dagdag pa nila, mas maganda raw sana na hinayaan na lang muna ni Annabelle na maunang magbalita ang mga kamag-anak ni Cherie.
Narito ang ilang tweets ng netizens tungkol dito.
Bakit mo uunahan yung pamilya sa pag-announce ng namatay? What for? Labo.
— Czar Lee Puth 👕 (@Stewart___O) August 5, 2022
For clout lang talaga si Annabelle Mang-aagaw ng asawa. Manang, sana nirespeto mo pamilya ni Ms Cherie Gil o kaya kahit si Ms Cherie Gil na lang. Grabe ka!
— Hunchback of NutriBun (@NutribunOf) August 5, 2022
Pero nakakaloka si Annabelle R. Inunahan pa family ni Ms. Cherie Magbalita.
— Angeline C. Francisco (@girlinme) August 5, 2022
* * * * * * * * * *
Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at viral issues by following us on our social media accounts!
Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily
Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily