Pinanindigan ng showbiz columnist na si Cristy Fermin ang una na niyang ibinalita na pagbubuntis umano ng sexy actress na si AJ Raval.
Naiulat kasi sa Frontline Pilipinas ng TV5 na sinabi ng aktres na nagpositibo siya sa COVID-19 at hindi sa pregnancy test.
RELATED STORIES:
- AJ Raval, kinontra si Cristy Fermin; muling itinanggi ang balita ng umano’y pagbubuntis niya
- AJ Raval, ipinatigil ang shooting ng sariling pelikula dahil sa ‘medical emergency’?
- Aljur Abrenica, pananagutan umano ang ipinagbubuntis ni AJ Raval
Sa kabila nito ay pinaninidigan naman ni Cristy ang kaniyang rebelasyon.
Matatandaang sa programa ng kolumnista ay isiniwalat niyang umamin na umano si AJ tungkol sa pagbubuntis nito.
Ito ay ayon sa isang mapagkakatiwalang source umano ni Cristy.
“Nako, mga kapatid. Hindi po kami apektado nina Romel Chika at Morly Alinio nang mag-deny po kagabi si AJ Raval tungkol sa ibinalita naming sitwasyon niya ngayon.
“Hindi po kami galit sa kanya.
“Natural lamang po na binibigyan namin ng pagkakataon ang mga artista na tanggapin o i-deny ang anumang balita na kumakalat tungkol sa kanila.”
RELATED STORIES:
- AJ Raval, umamin nang nabuntis ni Aljur Abrenica?
- Kylie Padilla, maaring magdemanda dahil sa umano’y pagbubuntis ni AJ Raval
- AJ Raval, ibinandera ang tiyan sa gitna ng balita ng umano’y pagbubuntis niya
“Ito po ay kaugnay ng aming kinuwento sa ‘Showbiz Now Na’ na itong si AJ Raval ay nagdadalang-tao ngayon.
“Hindi tayo ang dapat niyang kausapin, ang ating source na may malaking malaking bahagi sa karera niya ngayon, kayong dalawa ang mag-usap.
“Ano po, bahala na po si AJ Raval kung ano ang magiging desisyon niya, basta po, kami ay hindi apektado.
“Ito pong aming source eh talaga namang, sa buong karera ko po bilang manunulat, hindi po niya ako sinubukan ng kwento na katanung-tanong o pagdududahan.”
Samantala, nananatili namang tahimik tungkol sa isyu ang itinuturong ama ng ipinagbubuntis ni AJ na si Aljur Abrenica.
* * * * * * * * * *
Maging una sa mga showbiz updates at iba pang trending at viral issues by following us on our social media accounts!
Facebook: https://www.facebook.com/thepinoydaily
Twitter: https://twitter.com/thepinoydaily